Padilla: Walang babaguhin sa kanyang pag-uugali at asal sa Senado

Wala raw babaguhin si Sen. Robinhood Padilla sa kanyang asal at pag-uugali sa Senado dahil wala naman aniya siyang ginagawang mali.

Ayon sa Senador, kung lagi man siyang nagsasalita o nag-iingay sa kanilang sesyon, ay karapatan niya raw ito bilang boses ng taumbayan sa senado.

Iginiit niyang wala rin masama sa pagsusuklay niya ng bigote sa committee hearing dahil hindi naman ito pinagbabawal sa rules ng senado.

Pahayag ito ni Padilla kasunod ng sinabi ni dating Sen. Franklin Drillon na gumuho ang reputasyon ng senado bilang institusyon dahil sa kawalan ng decorum o tamang asal at ugali.

Sabi ng senador, iba ang henerasyon noon nina Drillon kaysa sa henerasyon ngayon ng mga nakababatang senador na mas agresibo at mabilis na mag-isip.

Samantala, inamin naman ni Sen. Bato Dela Rosa na guilty siya minsan na hindi niya nasusunod ang tamang asal sa mga pagdinig sa senado.

Gayunpaman, humingi ng paumanhin ang senador kung nasira niya ang imahe ng institusyon dahil sa hindi niya pagpapakita ng tamang asal lalo sa pagsasagawa ng mga committee hearing. // AC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *