Paeng Nepomuceno, panalo ng gold sa Asian Senior Bowling Championship

Hindi natatapos ang bowling para sa world bowling hall of famer na si Paeng Nepomuceno.

Ito’y matapos na madagdagan ang collection na medalya ng bowling world champion, nang manalo ito ng gold medal sa Asian Senior Bowling Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Nepomuceno ay nanguna sa men’s singles 65-above category, laban kina Japan’s Akira Nakada at Korea’s Jin Headong.

Si Nepomuceno ay four-time Bowling World Cup champion, na nanalo sa World Tenpin Masters noong 1989, at sa 1984 Worlds Invitational.

Panalo rin ito bilang Asian Games gold medalist at multi-medalled athlete sa Southeast Asian Games. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *