Pagasa, nagbabalang aabot sa Signal No. 4 ang wind signal ng Bagyong Kiko

Posibleng itaas mamayang gabi o bukas ng umaga ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng probinsya sa Northern Luzon, at mas mataas na wind signal levels sa Extreme Northern Luzon, matapos na bahagyang lumakas ang Bagyong Kiko, habang kumikilos pa-southwestward ng Philippine Sea

Babala ng Pagasa, ang pinakamataas na posibleng wind signal na maaring itinaas ay Signal No. 4.

Sinabi rin ng weather bureau na sa Biyernes maaring magsimula ang malakas na ulan na dulot ng Bagyong Kiko na makakaapekto sa eastern section ng Northern Luzon.

Sa huling forecast track, nakikitang gagalaw si Kiko pa westward southwestward sa susunod na 12 oras bago umikot pa-west northwestward hanggang sa Biyernes, papunta sa bisinidad ng Extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na iigting si Kiko hanggang sa Sabado, hanggang sa maabot ang peak intensity na 185 to 205 km/h habang kumikilos papuntang Northern Luzon dahil sa favorable environmental conditions. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *