Libo-libong essential workers sa Maimbung, Sulu, nakakuha ng suporta mula kay Go

Nagsagawa ang team ni Senator Christopher “Bong” Go ng sunod-sunod na relief efforts para sa 3,053 benepisyaryo na binubuo ng market vendors at mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Maimbung, Sulu.

Ito ay matapos ang matagumpay na paglulunsad sa pang-ika 138th Malasakit Center sa Jolo

Kaugnay nito, igiiit ni Go ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kalusugan ng isang tao at buong well-being, lalo na sa panahon ng national health crisis, kasabay ng paghihikayat sa mga essential workers na humingi ng medical assistance kung kinakailangan, sa alinmang Malasakit Centers sa probinsya. 

Ang Malasakit Centers na ito ay matatagpuan sa Sulu Provincial Hospital at Sulu Sanitarium sa Jolo.

Matapos makita ang paghihirap ng mga tao para makakuha ng medical assistance mula sa gobyerno, committed si Go na bumuo ng mga paraan para matiyak na ang poor at indigent patients ay komportableng makakakuha sa kalidad na health care services.

“Ang Malasakit Center po batas na ‘yan, isinulong ko noon, noong nag-senador po ako, pinirmahan ni Pangulong Duterte. Ang target po niyan zero balance, para po ‘yan sa mga poor and indigent patients,” paliwanag ng senador.

“Kaya sabi ko noong naging senador po ako, siguraduhin nating maisabatas po ito para kahit hindi na ho ako senador, ‘pag hindi na ho pangulo si Pangulong Duterte ay tuluy-tuloy po itong programang ito. Ang importante po rito ay makakatulong po sa ating mga kababayan,” dagdag nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *