Pagba-ban ng TikTok sa US, maaring magbigay panganib sa 2024 Elections

Nanganganib ang mga ilang opisyal na tatakbo sa 2024 US Elections, kabilang na si US President Joe Biden, kung sakaling tuluyang ma-ban ang social media platform na TikTok sa Amerika.

Ito kasi ang ginagamit ng ilang opisyal bilang campaign tool upang makakuha ng mga taga suporta at makapag bigay impormasyon sa kani-kanilang mga plataporma.

Nabatid na nangako si President Biden na pipirmahan niya ang isang panukalang ipagbabawal ang TikTok sa bansa, dahil sa kaugnayan nito sa Chinese government.

Bumoto na rin ang mga Republicans sa US House of Representatives sa pagpapaalis ng mga asset ng US sa TikTok sa loob lang ng anim na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *