Pagbaba sa “pink zone status” ng Albay kontra ASF, posible bago matapos ang taon

LEGAZPI-Posible umano bago matapos ang taon, mula sa Red zone status, maibaba na sa pink zone status ang buong lalawigan ng Albay na apektado ng African Swine Fever.

Ito ay base sa pinalabas na impormasyon ng Albay Provincial Veterenary Office.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Doc. Pancho Mella, Albay Provincial Veterenarian, 9 na lugar sa lalawigan ang nilagyan ng Sentinel at sa kanilang kinolektang sample sa mga apektadong lugar, nagnegatibo na ang mga baboy sa naturang sakit.

Kanila na rin na hiniling sa Animal Industry na bigyan na ng sertipikasyon na i-lift na ang red zone status ng apektadong bayan para makabalik na sa normal ang stocking at pag-aalaga ng mga baboy.

Nilinaw din ng nasabing tanggapan na noong marso pa naiulat ang huling record ng tinamaan ng ASF na baboy at negatibo na ang lalawigan sa nasabing sakit.

Subalit kailangan umano nang pormal na abiso mula sa kinauukulan bago mapayagan ang mga nasabing lugar sa pag-aalaga at pagbebenta ng baboy..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *