LGU Legazpi kumpiyansang maaabot ang herd immunity sa Disyembre

BICOL—Kumpiyansa ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na maaabot nito ang target na herd immunity matapos na maturukan na ng COVID-19 vaccine ang nasa 70,000 mamamayan.

Sa huling tala, 69,649 na ang completely vaccinated sa lungsod o iyong mga nakatanggap ng second dose at one shot Janssen vaccine. 61,492 ang nabakunahan ng second dose ng iba’t-ibang bakuna habang nasa 8,157 ang naturukan ng one shot Janssen vaccine.

Umabot na sa 84,122 ang mga nabakunahan sa first dose at naghihintay na lamang ng schedule para sa kanilang second dose.

Sa kabuuan, umaabot na sa 153,771 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa iba’t-ibang priority groups sa lungsod.

Sa ngayon ay puspusan ang pagbabakuna kung saan iikot nang muli sa mga barangay ang vaccination teams upang bakunahan ang mga edad 18-anyos pataas.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *