Pagbabakuna sa mga edad 5-11 anyos sa mga pampublikong paaralan, sisimulan na sa Naga City

NAGA CITY- Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Naga at ng vaccination team ang pag-iikot sa mga pampublikong paaralan target bakunahan kontra sa COVID-19 ang mga batang edad 5-11 anyos.

Ayon kay Naga Central School I (NCS I)  Principal Frederick Baldoza , malaking bagay ito para sa proteksyon ng mga bata lalo na sa inaasahang paparating na full implementation ng face-to-face classes sa Agosto 2022.

Ayon kay Baldoza , bukas Hunyo 21 venue na ang kanilang paaralan , nasa 100 na estudyante ng NCS I ang inaasahan pero bukas din para sa mga taga Peñafrancia , Bagumbayan Sur at ibang kalapit barangay.

Una nang sinabi ng LGU Naga na nagdodoble kayod pa sila sa pagbabakuna sa nasabing age group dahil mababa pa ang bilang ng nababakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *