Malawakang pagbabakuna sa COVID 19 ng Legazpi City umabot na sa 107% – CITY HEALTH OFFICE

LEGAZPI CITY – Aabot na sa 107.8% o 171, 766 na individual ang target na nagawa na malawakang pagbabakuna laban sa lungsod ng legazpi mula.

Batay sa datos ng City Health Office (CHO), ang nabakunahan ay nasa 15,475 na senior citizen; 149,994 na may edad 18 hanggang 59 anyos; 16,241 na may edad 12 hanggang 17; at 3,509 na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Ayon kay Dr Fulbert Alec Gillego, ang head ng City Health Office ng lungsod, ang pagkamit sa sobrang target ng kanilang pagbabakuna ay nagdulot ng pagbabahay-bahay na kampanya sa pakikipagtulungan sa mga pampublikong ospital, paaralan, at mga national government agency ay nag-ambag sa matagumpay ng pagbabakuna.

Aniya, nalampasan ang 70 percent na target herd immunity dahil nag-entertain ng walk-in persons kahit hindi sila residente ng Legazpi.

At ang Kagawaran ng Kalusugan ay nag-kredito sa mga nabakunahang tao sa Legazpi City.

Sinabi ng opisyal, patuloy pa rin naman ang pagpapabakuna sa mga senisor citizen, pediatric at booster shot dahil mababa pa rin ang kanilang porsyento kumpara sa ibang catergoty group ay halos naabot na nila ang heird immunity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *