Pagbabakuna sa mga Indigenous People sa Camarines sur, tiniyak ng DOH

NAGA CITY—Tiniyak ng Department Of Health Camarines Sur na maaabot ng bakuna ang mga Indigenous People na nakatira sa mga malalayo at bulubunduking Barangay ng kanilang bayan.

Ito ang siniguro ni Dr. Rey Millena ng DOH Camarines Sur.

Aniya, mayroong programa ang kanilang ahensya at mga LGU’s kaugnay sa pagbibigay prayoridad sa mga miyembro ng bawat tribu.

Sa katunayan may ilang Pamahalaang Lokal ang naglalaan ng bakuna para sa mga Senior Citizens at may comorbidity na mga IP’s.

Dagdag pa ni Millena na mayroong mga Health Personnel ang naka-deploy sa mga IP Communities sa probinsya upang bigyan ng kaalaman ang bawat tribu ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Isa ang bayan ng Buhi, Iriga City, Baao at Tigaon sa mga bayan sa lalawigan na mayroong tribal communities na kinabibilangan ng Agta-Tabangon, Aetas at Agta-Cimaron.

Noong 2016 base sa tala ng National Commission on Indigenous People ay umabot na sa 4,799 na pamilya o 26,199 indibidwal ang kabuuang populasyon ng mga IP’s sa Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *