Pagbabalik ni Lebron sa Lakers, wala pang timetable

Wala pang timetable sa pagbabalik ni Lebron James sa LA Lakders matapos magtamo ng foot injury noong nakaraang buwan.

Sabi ni James wala pang target na petsa kung kailan siya muling makakapaglaro.

Patuloy umano siyang nagrerekober at ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang makabalik ng malusog para sa Lakers.

Kamakailan lang sa laban ng Lakers at New York Knicks, mapapansin na wala ng suot na walking boot si James. Matatandaang natamo ni James ang injury sa kanilang laro laban sa Dallas Mavericks.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *