Pagbabawal sa pagdaan ng mga truck at heavy equipment sa Pagsangahan Bridge sisimulan pa lang ipatupad ngayong araw

CAMARINES NORTE- Taliwas sa naunang anunsiyo na May 16, 2022, ngayong araw pa lang, May 26, 2022, sisimulang ipagbawal ang pagdaan ng lahat ng truck at heavy equipment sa Pagsangahan Bridge until further notice.

Batay ito sa advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa ginagawang widening ng naturang tulay sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pagsangahan sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Tanging mga Light at Public Utility Vehicles lang ang papayagang dumaan sa naturang tulay.

Ang mga truck ay inaabisuhang gamitin ang Andaya- Quirino by- pass road.

Humingi naman nang pang unawa ang DPWH sa mga biyahero at motorista dahil sa abalang dulot ng proyekto.

Ang isinasagawa umanong widening ng naturang tulay at improvement sa kalsada ay para na rin sa kaligtasan ng traveling public.

Una nang inihayag ni District Engineer Edwin Bermal na ang naturang proyekto ay sa Regional Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *