Maritime Stakeholders Meeting isasagawa ngayong araw sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isasagawa ngayong araw ang Maritime Stakeholders Meeting sa lalawigan ng Camarines Norte na pangungunahan ng Philippine Coast Guard.

Katuwang sa aktibidad ang Department of Transportation, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), PNP Maritime at Provincial Government.

Inaasahang pag- uusapan sa naturang aktibidad ang mga issues and concern ng mga maliliit na mangingisda gayundin ang mga mangingisdang ang bangka ay 3 gross tons pataas.

Pag- uusapan din ang ilang mga concern sa beach resorts at ang Safety, Security and Environmental Numbering System (SSEN) ng mga bangka.

Ang SSEN ay sinimulang ipatupad noong 2017 alinsunod sa Republic Act 993 o Philippine Coast Guard Law at memorandum circular ng DOTr.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2017 – 001 ay mag- aasign ang DOTr ng unique identification number sa mga bangka maliit man o malaki.

Layon ng programa na mapahusay ang environmental protection, safety and security sa buong bansa.

Makakatulong din ang sistemang ito sa mabilisang pagtukoy sa kinaroroonan ng bangka sakaling magkaroon ng aberya dahil mabilis itong ma- identify sa pamamagitan ng numbering system.

Magkakaroon naman ng power point presentation hinggil sa mga issues and concern at pagkatapos ay gagawin din ang open forum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *