Pagbakuna sa adult population sa Daraga, Alabay aarangakada na sa susunod na lingo

BICOL—Aarangkada na sa susunod na lingo ang pagbakuna sa adult population sa bayan ng Daraga, Albay.

Nobyembre 2 sisimulan ang vaccination sa mga edad 18-anyos pataas bilang bahagi ng layuning maabot ang herd immunity.

Dahil dito, inabisuhan ng local na pamahalaan ang lahat na mga gustong magpabakuna na magrehistro na sa QR Code o magpalista sa barangay upang mapabilang sa mga mababakunahan.

Kabilang sa mga abilableng bakunang gagamitin ay ang Sinovac, Moderna at Sputnik V.

Kahapon nang matanggap na ng bayan ang nasa 5,000 doses ng Sputnik V vaccines o ang bakunang gawa ng Gamaleya Institute sa Russia.

Base sa record ng Municipal Health Office, ang bayan ng Daraga ay nakapagbakuna na ng 20% ng kanilang target na populasyon.

Sa pagsisimula ng vaccination sa adult population, inaasahang mas mapapataas pa ang bilang ng mga mababakunahan patungo sa layuning maabot ang herd immunity o 70% ng populasyon sa bayan.

Patuloy ang paghimok ng lokal na pamahalaan ng ng mga local health officials sa mga Daragueño na magpabakuna kontra COVID-19 bilang dagdag na proteksyon laban sa mas malalang epekto ng nakamamatay na virus.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *