Pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 kahit walang state of calamity, posible ayon sa DOH

Maaaring magpatuloy ang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 kahit na magpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palawigin ang dalawang taong state of calamity declaration dahil sa pandemya.

Sinabi ng Department of Health,  na maaaring magbigay ng special permit upang payagan ang pagbili ng COVID-19 vaccines  para mapanatili ang vaccination program ng pamahalaan.

Inilabas ng DOH ang pahayag matapos sabihin ni Marcos na very hesitant siya na palawigin ang state of calamity na magtatapos ngayong araw,  December 31.

Isinulong ng departamento ang extension, dahil ang pag-alis sa state of calamity ay magpapawalang-bisa sa emergency use authorization at compassionate special permit na inisyu ng Food and Drug Administration para sa mga bakuna at gamot laban sa COVID-19.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *