Pagbili ng buhay o karneng baboy mula sa red zone area sa Sorsogon dahil sa ASF, hindi pinapayagang makapasok sa lugsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Total ban ang lahat ng karneng baboy o buhay na baboy na mula sa red zone area ng Sorsogon dahil sa African Swine Fever.

Ayon kay Bong Samar, field enforcement head at quarantine inspector ng City Veterinary Office ng Legazpi, hindi pinapayagang makapasok sa lunsod ang lahat ng karneng baboy, processed meat products tulad ng longganisa at mga buhay na baboy na mula sa Sorsogon dahil sa nasa red zone area ang mga ito.

Aniya, maaari lamang dumaan ang mga delivery trucks sa national road ngunit hindi pwedeng magbenta ng baboy sa Legazpi o sa barangay nito dahil maaaring mapasok o mahawaan ang hog raisers ng ASF .

Napag-alaman din kung bakit mayroong pumapasok na karneng baboy o binibiling buhay na baboy sa redzone area ay dahil bagsak presyo ang ibinibenta ng mga ito.

Umaabot sa P100 per kilo ang benta ng buhay na baboy sa Sorsogon kumpara sa Legazpi na aabot sa P130 per kilo at dahil ditto, nahihikayat ang mga meat vendors na bumili at ipapakatay sa slaughter house.

Sinabi ng opisyal, mahigpit na ipinagbabawal ng LGU Legazpi ang pagbili at pagpasok mula sa red zone area kahit mayroon pa itong ipakitang mga dokumento dahil ang susundin ng opisina ay ang inilabas na executive order ng alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *