Pagdiriwang ng National Children’s Month, nakatakdang isagawa ng Legazpi CSWDO sa huling linggo ng Nobyembre

LEGAZPI CITY – Isasagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Legazpi ang pagdiriwang ng National Children’s’ Month Celebration sa huling linggo ng Nobyembre ngayong taon.

Ayon kay Cecilia Arcilla, assistant head ng nasabing opisina, magsasagawa sila ng congress for children para sa Day Care Children at state of the children.

Tututukan ngayon ng lokal na pamahalaan na maibigay ang mga pangangailangan sa pamamagitan ng ibat-ibang serbisyo at programa ng kanilang opisina katuwang ang DSWD at DEPED.

Ang tema ng nabanggit na pagdiriwang ay “Sama-samang Itaguyod ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya”.

Nilalayon nitong itaguyod ang proteksyon at karapatan ng lahat ng mga bata sa panahon ng krisis, tulad ng pandemya.

Ang pagdiriwang ay pinangungunahan ng DSWD, National Youth Commission (NYC) at Council for the Welfare of Children (CWC). Ang National Children’s Month ay dating ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre, ngunit nabago ito nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino ang Republic Act 10661 at idineklara ang buwan ng Nobyembre bilang pambansang buwan ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *