Binata na may kinakaharap na kasong rape sumuko sa mga awtoridad; tatlong mangingisda, hinainan ng kani-kanilang WOA

Kasama ang kanyang abogado, kusang sumuko ang isang 30-anyos na binata na may kinakaharap na kasong rape sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Kinilala ito ng Irosin MPS na si Kevin Flores Altarejos, gov’t employee at naninirahan sa Bliss Macabog, West District, Sorsogon City.

Ayon sa ulat, si Altarejos ay may standing warrant of arrest sa nasabing kaso na walang itinakdang piyansa. Ang warrant of arrest ay inisyu ng RTC Br 55, Irosin, Sorsogon na may petsang Setyembre 9, 2022.

Samantala, tatlong mangingisda mula sa bayan ng Bulan, Sorsogon ang binabaan ng kani-kanilang warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 8550 o Phil Fisheries Code of 1998 na inisyu ng 8th Judicial Region, Capul, San Vicente, Northern Samar na may petsang Oktubre 27, 2022.

Pinagpipiyansa ng P12K bawat isa sina Kenny Bellen De Los Santos, 26-anyos, Junny Bellen De Los Santos, 22-anyos at Mars Ibanez Geronilla, 24-anyos kapwa mga residente ng Brgy Danao, Bulan Sorsogon.

Sina Kenny at Junny De Los Santos ay naaresto sa Brgy Aquino habang si Geronilla ay sa Brgy Zone 7 ng nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *