Paggamit ng lumang barko ng China bilang mock target sa Balikatan exercises, ‘nagkataon lang – PH Navy

Tinawag na “coincidental” ang paggamit ng isang lumang barko ng China bilang mock target sa Balikatan Exercises ngayong taon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Saad ni Philippine Navy Spokesperson para sa West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, ang barko ay dati nang na-decommission at naibenta bilang scrap.

Hindi na aniya bago ito dahil ginagawa ring target ng mga iba’t ibang Navies sa mundo ang mga lumang barko sa kani-kanilang teritoryo.

Nabatid na inanunsyo na ang BRP Lake Caliraya (AF-81), isang retiradong Chinese-manufactured naval asset ng Pilipinas, ay gagamitin bilang mock enemy target sa panahon ng sinking exercises.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *