Pagharap ng bagong batch ng mga diplomats kay President-elect Marcos, naging matagumpay

Muling naging matagumpay ang mga idinaos na courtesy calls ng iba’t ibang kinatawan sa tanggapan ni President-elect Bongbong Marcos sa Mandaluyong.

Kabilang sa mga nag-courtesy call kay Marcos ay sina Chargé d’ Affaires ng Poland na si Mr. Jaroslaw Szczepankiewicz, Bangladeshi Ambassador Borhan Uddin at New Zealand Ambassador Peter Tavita Kell.

Nakausap din ni Marcos sina Nigerian Ambassador Folakemi Ibidunni Akinleye at Ambassador ng Australia na si Steven James Robinson.

Sa press briefing, sinabi ng Bangladeshi Ambassador na pina-plano nitong tutukan ang mga mga programang may kinalaman sa pharmaceutical sector sa bansa.

Kilala ang Bangladesh bilang isa sa mga exporters ng gamot sa buong mundo.

Samantala, sinabi naman ng Polish official na handa silang tumulong pagdating sa usapin ng food security sa bansa at maging sa mga defense capabilities ng Pilipinas.

Naibahagi rin ni Szczepankiewic ang ulat na mayroong nasa 70 mga Pilipino ang tumakas sa border ng Poland-Ukraine dahil sa nagpapatuloy na giyera doon.

Naging palabiro naman si New Zealand Ambassador Peter Francis Tavita Kell dahil nag-tagalog pa ito sa pagharap niya sa mga kawani ng media.

Sa wikang Filipino, sinabi nito na ipagpapatulyo nila ang mga nasimulang proyekto sa pagitan ng New Zealand at ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *