Marcos, bukas umanong i-review ang panukalang optional na mask mandate -Concepcion

Bukas umano si President-elect Bongbong Marcos na magkaroon ng review sa ipinatutupad na mask mandate sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion matapos ang pagpupulong nila ng incoming president.

Aniya, maaari raw araling ng papasok na administrasyon na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas.

Samantala, sinabi rin ni Concepcion na kung siya ang tatanungin, dapat ay ipaubaya na sa LGUs ang pinal na desisyon kung ire-require ba ang pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas.

Sa hiwalay naman na panayam, pinayuhan ni Concepcion si Cebu Governor Gwen Garcia na bagamat suportado niyang alisin na ang mask mandate outdoors, mas makabubuti umano kung sumunod na lang muna ang Cebu Province sa national guidelines.

Aniya, tutal ay malapit na rin naman umanong magbago ang administrasyon, dapat ay irespeto na lamang ang desisyon ng outgoing Duterte government.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *