Pagiging bakunado bago makapasok sa mga establishemento, malabo pang mangyari sa Camarines Sur ayon sa isang doktor

NAGA CITY—Matapos maitala ang kauna-unahang delta variant ng COVID-19  sa Camarines Sur ay lumutang ang panukala sa mga LGU na gawing requirements ang pagresenta ng vaccination card sa mga establishemento bago payagang makapasok.

Pero ayon sa isang Doktor, malabo pa itong mangyari sa ngayon. Bagamat ginagawa na umano ito sa New York sa America, ay imposible pa itong ipatupad at maging polisiya.

Paliwanag ni Dr. Arnel Armea, Municipal Health Officer ng San Jose LGU, kahit pa ang kondisyon sa pagpapatupad nito ay maabot ng mga Lokal na Pamahalaan ang herd immunity sa nagpapatuloy na vaccination program bago ipasunod, ay aangal o kokontra dito ang Human Rights dahil sa posibleng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao ng naturang patakaran.

Ani pa Armea, kailangan ang mismong Gobyerno o National-IATF ang mag utos nito at hindi ang mga Local Government Unit. Maaari rin itong kuwestiyunin ng Department of Trade and Industry o DTI na siyang may sakop ng mga negosyo sa bansa.

Sa halip, siguraduhin na lang ng mga LGU na sumusunod sa mga guidelines at Public Health Standards ang business sector upang masiguro na ligtas ang bawat isa laban sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *