Nakaugaliang pagdiriwang ng fiesta sa Baras, Catanduanes, sinuspindeng muli sa ikalawang pagkakataon

Baras, CATANDUANES— Sa ikalawang pagkakataon ay hindi muna ipinagdiriwang ngayon ng mga residente sa bayan ng Baras, Catanduanes ang ka-piyestahan sakanilang bayan dahil pa rin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Batay sa Executive Order #21 na inilabas ng LGU, tanging ang mga religious activities lamang ang pinahihintulutang isagawa ngunit istrikto pa ring ipapasunod ang mga umiiral na minimum health standards.

Patuloy ring ipinatutupad ang curfew sa nasabing bayan, tuwing alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga. Para naman sa mga nagbabalak na magpunta at pumasok sa bayan ng Baras, hindi muna pinahihintulutan ang pagpasok ng mga “non resident” liban lamang kung ito ay essential o emergency.

Sa mga residente naman ng bayan na uuwi mula sa ibang lugar, mangyari lamang na mag presenta sa  border control point ng valid ID na magpapatunay na ikaw ay residente ng Baras.

Bukod pa sa mga ito ay istrikto ring ipinatutupad liqour ban, simula pa nitong araw ng Linggo at magtatagal hanggang sa August 11 araw ng Miyerkules.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *