Pagkakadiskwalipika ni Albay Gov. Noel Rosal bilang gobernador, ikinabigla ng lahat

LEGAZPI CITY – Ikinabigla at hindi inaasahan ng lahat ang pagkakadiskwalipika ni Albay Gov. Noel Rosal bilang gobernador sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni BM Rolly Rosal, nabigla ang lahat at hindi nito inasahan ang resulta mula sa Commission on Elections (COMELEC) 1st Division hinggil sa disqualification ng gobernador.

Aniya, ang tanging pinaghahandaan ng mga ito ay ang protesta laban kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal dahil dikitan ang labanan sa lunsod ng Legazpi nitong eleksyon at hindi nila alam na mayroong protesta umano sa gobernador.

Binigyang-diin pa nito na hindi lang laban ito ni Rosal bagkus ay laban ng mga Albayano na bumoto sa kanya para maipanalo ang eleksyon.

Umaasa ang opisyal na mareresolbahan pa rin sa pamamamgitan ng mapayapang pamamaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *