Pagkakaroon ng 4-day work week – ipauubaya na ng DOLE sa mga employer

Isang prerogatibang hakbang umano sa mga kumpanya ang pagpapatupad ng 4-day workweek.

Ito ang sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez sa gitna ng tumitinding init na nararanasan, lalo na ng mga empleyadong bumabiyahe araw-araw.

Ayon kay Benavidez, ang apat na araw ng trabaho ay magandang option batay na rin aniya sa mga konsultasyon sa mga manggagawa.

Sa kabila nito, nakadepende pa rin umano sa mga kumpanya kung magpapatupad sila ng ganitong klaseng schedule.

Kung matitiyak naman daw ang kaligtasan ng manggagawa at mas lalong ma-i-improve ang productivity – walang magiging problema rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *