Umano’y sub-leader ng Daulah Islamiyah, patay sa engkwentro sa Lanao del Norte

Patay sa engkwento ang isang sub leader ng Daulah Islamiyah at apat niyang tauhan sa serye ng enkwentro sa Munai, Lanao del Norte kahapon.

Kinilala ang mga nasawing terorista na sina: Najeb Laguindab, alyas Abu Jihad/Abu Yad, ang sub-leader ng grupo; Johaiver Dumar, alyas Juhayber/Julaibib; Salman Dimapinto Nasrudin, alyas Shuay’b; Mohaimen Hadji Ali, alyas Ibn Sali, isa sa mga lookout sa MSU bombing; at isang alyas Muslima/Payko.

Bukod sa mga labi ng kalaban, narekober ng mga tropa ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, at iba pang gamit pandigma.

Limang sundalo naman ang sugatan sa operasyon na agad naisugod sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *