Pagkakaroon ng SSS Group Health Insurance Policy ng mga contractual/job order employees ng city LGU, ipinanukala ng ilang konsehal

Naghain ng panukala ang ilang konsehal sa lungsod ng Sorsogon kaugnay sa pagkakaroon ng Group Health Insurance Policy sa ilalim ng Social Security System (SSS) para sa lahat ng mga Job Orders at Contractual employees ng City LGU.

Sa ginanap na regular session nitong Martes inihain ni City Councilor Reynaldo Taladtad ang naturang resolusyon na may layuning mas mabigyan ng sapat na proteksyon at kompensasyon ang mga empleyado ng lokal na pamahalaang lungsod na nasa risk at hazard field gaya ng mga job orders at contractual na pawang mga outdoor jobs at delikado ang mga ginagawang trabaho.

Ito’y upang mas maging komportable ang pagtratrabaho ng mga ito kumpara sa mga permanent ay hindi naman kataaasan ang kanilang sahod na dapat mabigyan ng sapat na atensyon at proteksyon.

Ang Group Health Insurance Policy ay isang sistemang ipinatutupad ng SSS para sa maramihang empleyado kung saan sa kaso naman ng naturang resolusyon mismong ang City LGU ang sasagot sa mga gastusin at kompensasyon ng isang empleyado na makararanas ng emerhensiya gaya ng aksidente o pagkakasakit dahil sa trabaho hindi tulad ng normal na insurance policy na personal itong aaplayan o huhulugan ng isang SSS member.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *