1,200 na pasahero sa Matnog Port nakatawid na matapos ang 2 araw na pagka stranded dahil sa bagyong Paeng

Nakabiyahe na ang aabot sa 1,200 na pasahero sa Matnog Port matapos ang dalawang araw na pagka-stranded sa pantalan dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) naging maayos naman ang sistema ng pila sa Mantog Port kung saan maganda ang ibinigay na kooperasyon ng bawat biyahero kung kaya’t maaga rin nakatawid ang mga ito.

Hindi naman nagkulang ang Pamahalaang Panlalawigan pagdating sa pag-alalay sa mga stranded passengers kung saan nakapagbigay ito ng pagkain at matutuluyan habang hindi naman naging makalat ang iniwan ng mga biyahero kumpara sa mga nakalipas na taon tuwing may kalamidad na ipinagpapasalamat naman ng lokal na pamahalaan ng Matnog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *