Pagkamatay ng person under police custody sa Legazpi, posible umanong may foul play – Legazpi CPS

LEGAZPI CITY – Posible umanong mayroong foul play sa pagkamatay ng isang person under police custody kamakailan sa loob ng Legazpi City Police Station.

Ayon kay PLt. Col. June Aian Rojas, Officer-in-Charge ng nasabing himpilan, hindi sila makapagsasabi sa tunay na nangyari sa loob ng jail facility dahil sa hinihintay din nila ang resulta ng autopsy ng biktima.

Aniya, kung sakali mang may pananagutan sa insedente sa loob ng pasilidad ay agad nila itong sasampahan ng kaso.

Sa ngayon kasi ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insedente.

Kung babalikan, natagpuang patay si alyas “Jerome”, 38 anyos, residente ng Purok 2, Brgy. 24-Rizal ng nabanggit na lungsod sa loob ng pasilidad na agad namang idineklarang dead on arrival sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *