Pagkulong sa Pharmally exec, habang iniimbestigahan ng Senado, isang abuso-Duterte

Kinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang abuso ang pagkulong sa mga indibidwal sa Senado sa gitna ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa umano’y “overpriced” medical supplies purchase ng gobyerno.

Sa taped address ng Pangulo, hinamon niya ang komite na magsampa ng kaso laban sa mga concerned personalities kung mayroon na itong ebidensya.

Ngunit aniya, isang paglabag sa karapatang pantao ang pagkulong sa mga ito dahil lamang sa hindi nakukuha ng mga taga-imbestiga o ng mga senador ang sagot na nais nilang marinig mula rito.

Mababatid na nagbanta ang Senate committee na ipakukulong ang mga resource persons kung ang mga ito ay tumangging sumagot sa kanilang mga katanungan.

Bago rito, naghain na rin ng warrant of arrest ang senado sa mga opisyal ng Pharmally at iba pang indibidwal na nauungkat sa imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *