Pagbibigay ng voter’s certification, suspendido mula Sep. 27 – 30

Suspendido mula September 27 hanggang 30 ang pagbibigay ng voter’s certification sa lahat ng Offices of the Election Officer (OEOs).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, ang pagsuspindi ay upang mabigyang-daan ang mga magpaparehistro sa mga huling araw ng kanilang voter’s registration.

Aniya, epektibo ang suspension sa issuance ng voter’s certification sa lahat ng OEOs sa barangay man, mall registration sites, o kung saan nagsetup ang Comelec field personnel ng satellite offices. 

Sa kabila nito, magpapatuloy naman ang pagbibigay ng voter’s certification sa main office ng Comelec sa Intamuros.

Para sa mga magpaparehistro, kailangang magpresenta ng applicant ng isang valid ID at magsumite ng photocopy ng parehong ID, at magbayad ng P75 na fee. 

Samantala, inihayag rin ni Jimenez na libre lamang ang pagkuha ng voter’s certification sa mga senior citizen, person with disability (PWD), member of Indigenous Peoples (IPS), at Indigenous Cultural Committee, pati na rin sa mga solo parent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *