Pagnipis ng kuryente ramdam na sa Camarines Sur- CASURECO II

NAGA CITY- “Abaanang Init!” Nagsisimula pa lamang ang tag-init pero madalas na itong nariring sa mga taga Camarines Sur.

Una nang sinabi ng Department of Energy na inaasahan na nila ang mataas na demand ng kuryente na posibleng makaapekto sa reserbang power supply.

Ramdam na ang pagnipis ng kuryente  sa probinsya dahil nagkakaroon na ng automatic load dropping. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay , tagapagsalita ng Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO II binanggit nito na may apektado nang planta o nag shut down nitong linggo lamang daan upang mawalan ng kuryente ang buong Naga, Milaor , Minalabac at bayan ng Pili.

Dagdag ni Bucay, sinisikap naman ng pamahalaan na hindi magkaroon ng Red Alert sa kuryente sa bansa.

Ang CASURECO II ang pinakamalaki at pinaka maraming member consumers sa CamSur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *