Bus driver sa Albay, hiling na makabalik ang kanyang lisensya matapos na hindi makapagtrabaho dahil tinicketan ng aabot sa milyumpisong halaga

LEGAZPI CITY – Isang driver ng bus sa lalawigan ng Albay ang nagpahayag ng hinaing at kahilingang maibalik ang kanyang lisensya sa pagmamaneho upang makapagtrabaho matapos siyang ticketan at aabot pa sa isang milyumpiso ang kanyang babayaran.

Kwento ni alyas “Arwin” sa Brigada News FM Legazpi, Bicol-Manila vice-versa ang kanyang biyahe at naticketan siya sa may bahaging Lucena nang hindi dala ang kanyang prangkisa, kung kaya’t pinapatunos sa kanya ang lisensya sa nasabing halaga.

Binigyang-diin niya, mayroon naman talagang prangkisa, ngunit nagkataon lamang na hindi nadala noong araw na iyon.

Tumawag naman umano siya sa operator niya, ngunit ang sagot sa kanya ay maghihintay pa ng 15 araw upang maasikaso.

Aniya, ang linya ng prangkisa ng bus na kanyang minamaneho ay hanggang Daet, Camarines Sur lamang, kaya lang, mayroon lang silang nirescue na bus sa Cubao para i-pick-up ang mga pasahero dahil wala na umanong ibang available na bus.

Hindi na umano siya makapagtrabaho dahil mismong lisensya niya ang na-ticketan, kaya’t umaasa siya na makakabalik pa ito.

Hiling niya, sana ay magawan ito ng paraan na maibalik na sa kanya kahit lisensya, dahil hindi naman umano nila alam kung saan sila kukuha ng malaking halagang pantubos, at upang makapagtrabaho na syang muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *