Pagpapaliban ng eleksyon sa 2022, unconstitutional ayon sa ilang senador

Naniniwala ang ilang senador na labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban ng 2022 national at local elections.

Ito ay matapos maghain ng Coalition for Life and Democracy ng petisyon sa Commission on Elections upang hilingin ang suspensyon ng 2022 polls hanggang May 2025 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na walang probisyon sa Konstitusyon na nagpapahintulot ng holdover para sa national officials maliban sa 12 miyembro ng Senado.

Ipinunto naman ni Senator Panfilo Lacson na magiging “unconstitutional” kung mapapalawig ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng holdover capacity.

Iginiit naman ni Senator Joel Villanueva na hindi pwedeng magamit ang COVID-19 pandemic bilang dahilan para tanggihan ang karapatan ng mga tao na makaboto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *