P1000 na may mukha ng mga bayani, hindi mawawala sa sirkulasyon ayon sa BSP

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mananatili sa sirkulasyon ang P1,000 banknote na may mukha ng mga bayani, kahit pa ma-release ang bagong polymer banknote ng nasabing halaga.

Kasabay nito ay dinipensahan ni BSP Governor Benjamin Diokno ang disenyo ng bagong P1,000 na banknote na nagpapakita sa Philippine eagle imbis na mga bayani ng Pilipinas.

Iginiit ni Diokno na mananatili naman silang mga bayani, nasa pera man sila o hindi.

Tiniyak naman ni Diokno na sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay hindi made-demonitize ang kasalukuyang 1,000-piso na papel na may mukha ng mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *