Pagpapalit sa pamunuan ng Calaca PNP, hold muna

Hiniling ng lokal na pamahalaan na ipagpaliban na muna ang turn over sa bagong hepe ng kapulisan sa Calaca, Batangas.

Ayon kay Calaca Mayor Nas Ona, wala naman aniyang problema kung sinuman ang mapa-upo bilang hepe ng kapulisan sa kanyang bayan na nasasakupan ang kanya lamang aniyang iniisip ay ang posibilidad sa usapin ng teknikalidad na magiging resulta nito gayong nalalapit na ang plebisito ng pagiging siyudad ng Calaca.

Dito kinausap ni Mayor Nas ang pamunuan ng Batangas PNP na si Provincial Directror P/Col. Pedro Soliba upang ipabatid ang sitwasyon at nabanggit na mula sa PNP Regional Office ang kautusan at implementasyon lamang ang sa panig ni PD Soliba.

Sa hiwalay na panayam ng Brigada Batangas kay PD Soliba, sinabi nito na ipaaalam niya sa regional office ang sitwasyon at sasangguni din aniya siya sa kanilang mga abogado.

Sa huling pabatid ng pamunuan ng PNP, binanggit na rin ni Col Soliba na hold na muna ang turn over ng bagong uupong hepe ng Calaca PNP dahilan sa gaganaping plebisito sa pagiging siyudad ng bayan ng Calaca sa September 3, Sabado.

Tatagal ng election period sa Calaca hanggang September 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *