Pagpapasunod sa minimum health standard pahirapan pa rin sa ilang matataong lugar

CAMARINES NORTE- Mahigit isang taon simula ng tumama ang pandemya at sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19, tila pahirapan pa rin ang pagpapasunod sa health protocols sa mga matataong lugar.

Partikular na dito ang Mercedes Fish Port kung saan tila  pangkaraniwang na ang hindi pagsunod sa health protocols ng karamihan na madalas pa ring makikita na may mga hindi nagsusuot ng face mask.

Kung may face mask man ay hindi maayos ang pagkakasuot at madalas ding hindi nasusunod ang social distancing.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Department of Health sa publiko na sundin ang health protocols hindi lang para sa kaligtasan ng sarili kundi maging ng ibang tao.

Sa isinagawang talakayan nitong Biyernes, sinabi ni DOH Bicol COVID- 19 Program Coordinator Dr. Lulu Ramos Santiago na dapat maunawaan at tanggapin ng bawat isa na wala ang old normal dahil nasa new normal na ngayon.

Nangangahulugan umano ito ng pagsunod sa minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pag obserba sa social distancing measure, pag iwas sa mass gathering at palagiang pag- sanitize ng kamay.

“We discourage any form of mass gathering lalo na po na mayroon na po tayong alpha, beta at delta variant sa Bicol Region,” ani Santiago.

“Tanggapin na po natin na ito na po ang new normal natin, magsusuot tayo ng face mask, mag oobserve tayo ng minimum public health standards, magiging BIDA po tayo, kapag lumabas tayo ng bahay nakasuot tayo ng face mask na tama para sa additional protection, may face shield at siguraduhin po na laging i- sanitize ang mga kamay at pag nasa matataong lugar ay dumistansiya po ng isang metro at alamin yung tamang impormasyon.”

Kahapon muling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte na mayroong 40.

Sa kabila nito mataas rin naman ang naitalang recovery na mayroong 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *