Pagpapatitulo sa mga ancestral land sa bayan ng Labo tinatrabaho na ng NCIP

CAMARINES NORTE – Inihayag ngayon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na kanila nang tinatrabaho ang pagpapatitulo sa ancestral lands o lupaing ninuno sa bayan ng Labo, Camarines Norte partikular sa Barangay Malaya hanggang sa may bahagi ng Quezon province.

Ayon kay NCIP Provincial Head at Development Management Officer V Agnes Salvino matagal nang minimithi ng mga katutubong manide sa lugar na magkaroon na sila ng titulo ng lupa.

Mayroong 28 household o mahigit isang daang indibidwal na manide ang nakatira sa nabanggit na lugar.

Ang ancestral lands o lupaing ninuno ay pribado ngunit pag-aari ng komunidad ng indigenous people at ng lahat ng henerasyon ng mga katutubo.

Sa ilalim ng Republic Act 8371 o Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), ang karapatan sa pagmamay-ari ng mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno ay kinikilala at protektado ng batas.

Samantala, wala pa umanong national ID sa ngayon ang karamihan sa mga katutubo dito sa Camarines Norte bagay na kanila na rin umanong tinatrabaho.

Ang mayroon pa lang umano sa ngayon ay ang mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *