Pagpapatupad ng Expanded Senior Citizens Act Of 2010, iniatas ni PBBM na paigtingin pa

Tumalima ang Food and Drug Administration o FDA sa atas ni Pangulong Bongbong Marcos na paigtingin ang pagpapatupad ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 2012- 0007, ang 20% discount at VAT exemption ay maaaring i-apply ng mga senior citizen sa pagbili ng generic at branded medicines, kasama ang Influenza at Pneumococcal vaccines.


Saklaw din nito ang diskwento sa vitamins at minerals.

Suportado naman ng National Coordinating Monitoring Board ang naturang AO sa ilalim ng Resolution No. 1 s. 2013, partikular ang pag lilinaw sa paggamit ng mga dokumentong pagkakakilanlan ng mga Senior Citizens upang makakuha ng mga benepisyo at prebilihiyo.

Batay sa nasabing regulasyon, ang mga dokumento na maaaring ipresenta ay Senior Citizens ID at Purchase Slip Booklet upang mailista ang mga gamot na binili sa bawat transaksyon.

Habang ang mga Over-The-Counter medicines ay hindi na nangangailangan ng reseta ng doktor upang makakuha ng 20% discount.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *