Pagpasa ng SOGIE bill, hindi dapat madaliin – Villanueva

Hindi nakikita ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan ng madaliin ang pagpasa ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics o SOGIESC bill.

Sinabi ni Villanueva, hindi kabilang ang panukala sa priority measure ng senado.

Noong nakaraang Disyembre , inilabas ni Senator Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ang Committee Report No. 15 bilang kapalit ng tatlong panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon batay sa SOGIESC.

Gayunpaman, hindi ito na-sponsor sa plenaryo dahil sa oposisyon mula sa  iba’t ibang grupo at ibinalik sa sa committee on rules na pinamumunuan ni Villanueva.

Ayon sa mambabatas,  hindi bababa sa pitong senador ang nangatuwiran na dapat saklawin ng anti-discrimination bill ang lahat ng sektor at hindi lamang iisang grupo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *