Pagsasagawa ng mga checkpoint at Oplan Sita pinaigting ng PNP

CAMARINES NORTE- Pinaigting pa ng Philippine  National Police ang pagsasagawa ng mga checkpoint at Oplan Sita.

Maliban sa pagtitiyak na nakakasunod ang mga motorista sa batas trapiko, mahigpit ding ipinatutupad ang health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19.

Walang pinipiling oras ang kapulisan sa pagsagawa nito maging sa araw man o gabi.

Nitong weekend kaliwa’t kanan ang mga checkpoint sa iba’t- ibang bayan.

Halimbawa na lamang sa bayan ng Basud, ay nakalatag ang mga checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Maliban dito, nag- iikot din ang kapulisan upang ipaalala ang kahalagahan sa pagsunod sa mga health protocols.

Nitong Sabado  dalawampung bagong kaso ng COVID- 19 ang naitala habang nitong Linggo ay zero case ang lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *