Pagsusuot ng faceshield, required sa lahat ng examinees ng Career service examination sa Marso-CSC Bicol

LEGAZPI-Obligado pa rin na magsuot ng face shield at face mask ang lahat ng mga magsasailalim sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa darating na Marso 13.

Ito ay base sa kakalabas pa lamang na Examination Advisory No. 02, s. 2022 na kung saan ang lahat ng examinees ang dapat bakunado.

Obligado ang mga ito na magpresenta ng original card o digital vaccination bilang patunay na silay bakunado na.

Nilinaw naman ng nasabing tanggapan na, sa oras ng eksaminasyon ay papayagan naman ang mga itong magtanggal ng face shield para masigurong malinaw na mababasa nito ang examination.

Samantalang ang mga hindi pa bakunado ang required magpresenta ng negative result ng RT-PCR, saliva, o antigen test result.

Daddag pa nito, ang nasabing requirements ay bahagi ng health and safety protocols ng CSC para maproteksyunan ang mga examinees kontra sa nakakahawang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *