Pagtanggap ng pasyente sa Ticao District Hospital, pansamantalang nilimitahan

SORSOGON CITY – Apektado na rin ang Ticao District Hospital sa San Jacinto, Masbate dahil sa kakulangan sa mga staff.

Sa Public Service Advisory na ipinalabas ng nasabing ospital, nakasaad na 10 sa kanilang staff ay pinullout muna habang ang iba naman ay nagpositibo sa rapid antigen test.

Ayon pa sa advisory, ang mga emergency cases at normal deliveries na wala namang komplikasyon ay tatanggapin ng ospital subalit ang ibang kaso na kailangan ng medikal na atensyon ay pinapayuhan na magpakunsulta sa RHUs o pribadong klinika.

Nabatid na muling sumirit ang kaso ng Covid-19 sa nasabing lalawigan.

Noong Biyernes, Agosto 20 ay may naitalang 57 bagong kaso, kung saan ang 29 dito ay mula sa Masbate City; 6 sa bayan ng Aroroy; 5 sa Cawayan, tig-apat sa bayan ng Dimasalang, Mandaon at Uson at tig-isang kaso sa mga bayan ng Balud, Milagro, Mobo, Pio V Corpus at Placer.

Nasa kabuuang 2,374 na ang confirmed cases sa nasabing lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *