COMELEC satellite registration bukas twing Sabado; higit 200 katao target na makapagpatala sa Batangas City

Humigit kumulang sa dalawa hanggang tatlong daan katao ang target na magparehistro ng mga bagong botante, mag-transfer ng lugar kung saan boboto at magsagawa ng activation ng kanilang rehistro sa kabubukas na satellite registration ng Commission on Elections sa SM City Batangas, ngayong araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Acting Election Officer Gene Barte, sinabi nito na kung may dala ng print out ng application form na may tatlong kopya, may xerox ng valid ID ay dretso na ang proseso nito at mabilis na ang magagawang kelangan mo sa pagboto para sa halalan 2022.

Sa SM City Batangas, may nakahanda ng forms na ipinamimigay ang COMELEC na maaring i-fill up at pagsimulan ng proseso upang makaboto sa Mayo sa susunod na taon.

Inaasahan na tuwing Sabado,  Agosto 28, Setyembre a kwatro at a-onse ang pagbubukas ng satellite registration na ito ng COMELEC sa oras na alas 8:00 ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, tiniyak naman ng COMELEC Batangas City at SM City Batangas na naipatutupad ang tamang health protocols sa loob ng gusali upang maiwasan ang panganib ng Covid19 virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *