Pagtutupi ng pera matagal nang ipinagbabawal bago pa man  ang polymer bank note- BSP

NAGA CITY- Trending sa social media ang post ng netizen na hindi tinanggap ang One Thousand Peso Bill na kaniyang tinupi sa isang kilalang mall na hindi nito binanggit kung anong lugar.

Bawal nga bang tupiin ang isanlibo na gawa sa polymer?

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Keith Edward Hidalgo ng Bangko Sentral ng Pilipinas Southern Luzon, sinabi nitong bago ang taglay ng perang papel pero hindi bago ang guidelines sa papel man o sa barya.  Dati na itong nakapalaman sa Presidential Decree 247 noong 1973 na pirmado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Aaabot sa P20,000.00 ang multa o di kaya ay makulong ng hanggang limang taon parusa sa lalabag sa batas na nagbabawal sa pagsira ng pera.

Kamakailan lamang sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla, na mas maganda at kinakailanganang mahabang wallet para rito.

Payo naman ni Hidalgo sa mga tindahan na huwag nang tumanggap ng unfit na banknotes.  Ang mutilated naman o may punit, may scotch tape, lupaypay ay maaari pang tanggapin at i-diposito sa bangko. 

Sa Bicol Region sinabi ni Hidalgo na baka sa Oktubre ibaba ang bagong one thousand peso bill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *