Paintings ng mga SINAG scholar sa City of Ilagan, tampok sa inilunsad na art exhibit ngayong araw

Tampok ang mga painting ng Sining Na Gagabay sa Kabataang Ilagueno o SINAG scholars ng City of Ilagan Local Government Unit sa inilunsad na Art exhibit ngayong araw, February 21,2022 sa kanilang City Hall lobby.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City of Ilagan Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na eksklusibo sa mga SINAG scholar ang inilunsad na Art exhibit ngunit mayroon rin umanong mga display na design ang mga Architecture student ng ISU-Ilagan campus.

Aniya, mayroong mahigit 30 na painting ang naka-display ngayon kung saan magtatagal ito ng isang linggo sa  naturang art exhibit.

Dagdag pa ni IO Bacungan, mula noong 2015 ay taunan nang isinasagawa ang Art exhibit sa lunsod bilang bahagi ng selebrasyon ng National Arts Month.

Sa ngayon ay mayroon na aniyang mga bumibili ng painting ng mga naturang scholar kung saan ang kita ay diretsong mapupunta sa mga ito upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Magugunitang ang mga SINAG scholar ay mga kabataan na nakatira sa lunsod at libreng pinag-aaral ng LGU City of Ilagan ng painting, dancing, voice lesson at musical instrument.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *