Palasyo, minomonitor ang mas nakakahawang COVID variant mula S.Africa

Mahigpit na binabantayan ng Malacañang ang developments sa napaulat na bagong coronavirus variant mula sa South Africa, na pinaniniwalaang mas nakakahawa.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ginagawa na ang Genomic surveillance at panay rin ang kanilang koordinasyon sa World Health Organization (WHO), habang naghihintay ng advisory kung ang naturang variant ay variant of interest o variant of concern.

Ang B.1.1.529 variant ay nakitang mayroong halos 10 mutations, kumpara sa dalawa para sa Delta o tatlo naman para sa Beta, na sinisisi sa surge ng infections sa South Africa.

Samantala, sa panig ni Immigration spokesperson Dana Sandoval, handa sila na mag-adjust ng COVID-19 quarantine protocols sa gitna ng bagong variant, kung ipag-uutos ng Inter-Agency Task Force (IATF)

Pagtitiyak ni Sandoval, may sapat silang manpower para tugunan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *