NTF adviser: HK ilagay sa yellow/red list re: New COVID-19 variant

Nanawagan si National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na isailalim ang Hong Kong sa yellow o red list kasunod sa pagkakadetect sa bagong coronavirus variant, na pinangangambahang maging less effective ang bakuna.

Sa ngayon, ang Hong Kong ay kabilang sa “green list” areas na may mababang risk para sa COVID-19 transmission.

Ang mga fully-vaccinated travelers mula sa naturang areas ay maari nang hindi sumailalim sa facility quarantine sa oras na dumating sa bansa.

Una nito, noong Huwebes nang ibunyag rin ng mga seyentipiko sa South Africa na may nadetect silang bagong COVID-19 variant na mayroong multiple mutations.

Ang variant ay nadiskubre sa Botswana at Hong Kong na kabilang sa mga travelers mula sa South Africa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *