Palasyo, nilinaw kung bakit hindi kasama sa 2024 holidays ang paggunita ng EDSA People Power Revolution sa susunod na taon

Nagsalita na ang Palasyo kung bakit hindi nagdeklara ng holiday para sa paggunita ng EDSA People Power Revolution sa susunod na taon.

Sa ilalim kasi ng Proclamation No. 368, makikitang wala ang EDSA anniversary sa listahan ng mga holidays sa 2024.

Sabi ng Office of the President – nire-respeto pa rin daw nila ang paggunita sa naturang kaganapan.

‘Yun nga lang – pumatak daw ang February 25 sa araw ng Linggo.

Sa kabila ng kanilang paliwanag, makikita pa rin sa proclamation na idineklarang special non-working holiday ang Feast of the Immaculate Conception of Mary sa Decemer 8 na pumatak din sa araw ng Linggo.

Kung maaalala – noong 2018, pumatak din ng araw ng Linggo ang EDSA anniversary, pero idineklara pa rin itong special non-working holiday sa ilalim ng Duterte administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *