Sorsogon, may 166 na mga doktor na nangunguna sa Kalusugan Program

Mayroon nang 166 na mga doktor ang lalawigan ng Sorsogon na nangunguna sa Kalusugan Program.

Ayon kay Governor Boboy Hamor, 157 sa mga ito ay naka-assign sa 9 na District Hospital sa buong lalawigan at habang 9 naman sa mga ito ang nakatalagang barrio doctors na sila namang umiikot sa mga liblib na barangay sa lalawigan na may mga pasyenteng bed ridden at hindi na kayang magpunta ng ospital.

Matatandaan, February 14, 2023 nang ilunsad ang Doctors to the Household, rolling clinic at pharmacy sa Barangay Sinalmacan sa bayan ng Matnog na nagbibigay ng libreng checkup at libreng mga gamot.

Samantala, sa susunod na taon ay aabot sa P1.4M o 48% ng kabuuang pondo ng lalawigan ang inilaan ng Provincial LGU para sa Health, Nutrition at Social Services.

Mahigit P800M  dito ay mapupunta sa Provincal Health Office at P100M ay para naman sa Kalusugan program.

Mababatid na ngayong taon, P100M din ang inilaan ng Pamahalaang Lalawigan para sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *